Heneral Luna: Ang Tinig na Kailangang Marinig Nating Mga Pilipino

At napanood kong muli sa ikalawang pagkakataon ang Obra Maestrang pinamagatang “Heneral Luna” at nais kong gawan ito ng isang artikulo upang maipahayag ko ang aking saloobin para dito.

Ano nga ba ang kadahilanan kung bakit ito ang napili kong pamagat?
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin talaga kung bakit subalit may ilang kataga na sadyang nananatili sa aking puso’t isipan — Pagkamulat, Pag-bangon, Pag-gising.

Hindi ko alam kung talagang nasa plano ito ng mga nagbigay-buhay sa pelikulang ito, ngunit para sa akin, dumating ito sa tamang panahon.

Alam nating lahat na nalalapit na ang halalan at tayo’y muling mamimili ng mga pinuno ng ating lipunan. Bago pa man tayo makapamili, kung maaari’y masaksihan muna natin ito upang tulungang mamulat ang ating mga mata.

Tayo ba ay pipili na naman ng mga pinuno na traydor, duwag at mamamatay-tao?
Hindi pa ba sapat ang ilang taon ng pamamahala ng mga walang kwentang lider sa ating lipunan? Nawa’y matulungan ka nitong makapag-isip at makapag-nilay-nilay bago tayo gumawa ng mga desisyon na magdidikta ng mga pangyayari sa susunod na anim na taon.

Marami sa mga linyang binitiwan sa pelikulang ito ang sadyang nakapang-gi-gising ng damdaming makabayan, nakapag-aalab ng damdamin at sadyang may pinanghuhugutan. Narito ang ilan sa mga ito:

1.“Negosyo o kalayaan?! Bayan o sarili?! Pumili ka!!”

12019787_1651213118426751_4355003075324650219_nIsa ito sa mga linyang sadyang nagpalundag sa aking puso. Nawa’y makita natin na ang kailangan ng Pilipinas ay mga taong sadyang kayang isantabi ang kanilang personal na interes para sa kapakanan ng nakararami.

Hindi lamang ito para sa ating mga pinuno ngunit para rin sa ating mga sarili. Madaling sabihing may problema ang Pilipinas ngunit mahirap sabihin at aminin na tayo ang problema nito.

2. “Mga kapatid, mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano. Ang ating sarili.”

153

Mahirap man itong tanggapin, ito ang tunay na problema natin. Masyado nating ibina-baling ang pansin natin sa mga bagay na hindi natin kayang baguhin kung hindi natin babaguhin ang ating mga sarili. Mas sa atin ang sadyang mga Paterno at Buencamino. Ang tunay na sakit nating mga Pilipino — madalas ay masyado tayong magaling sa salita ngunit walang aksyon na ginagawa.

3. “Para kayong mga birheng naniniwala sa pag-ibig ng isang p*ta!”

12027706_1650948598453203_4968562616477353782_nOo. Sadyang matalim. Ngunit kailangan natin itong marining. Sa totoo lang, ganito tayong mga Pilipino sa ngayon. Malapit na naman ang panahon kung kailan tayo’y pipili muli ng mga mamumuno ng ating bansa. Mag-isip ng mabuti bago pumili. Wag umasa sa mga salitang walang kahulugan. Huwag maging birhen.

Huwag nang umasa sa mga mabulaklak na pangako.

4. “Kaya nating magbuwis ng buhay para sa pamilya pero para sa isang prinsipyong makabayan?”

1

Isang mentalidad na bunga ng pagiging makasarili. Na uunahin natin ang ating pansariling interes. Walang masama sa pamilya. Ngunit kung ito na lang ang limitasyon ng ating pangitain, hindi tayo uunlad bilang isang kabuuan — isang Pilipinas.

5. “Ganito ba talaga ang kapalaran natin, Paco? Kalaban ang kalaban. Kalaban ang kakampi, nakakapagod.”

71Maraming mga katanungan ang sadyang umikot sa aking isipan. Sadyang ganito na lang ba tayo? Pilipino laban sa Pilipino? Na ang dahilan kung bakit hindi tayo tunay na malaya ay ang sarili din natin? Maaari bang tapusin na natin ang ganitong mentalidad? Maaari bang wakasan na ito ng lubusan?

Maaari, kapatid, maaari.

6. “Isang malaking karangalan ang ipaglaban ang ating Inang Bayan, huwag tayong magdadalawang-isip. Adelante, compatriotas. Ang magtagumpay o mamatay.” 

10447665_1511888309025900_4831161099390905534_n

Sa panahon ngayon, hindi lang kamatayan ang kasagutan para ipaglaban ang bayan. Ang kailangan natin ay mga taong may paninindigan. Paninindigang kayang ipaglaban, kapalit may ay kamatayan.

7. “Isinusuka ko ang digmaan, Joven, pero ang kompromiso…”

10460679_1511887372359327_6202174920868290103_n

Ang taong walang paninindigan ay mahahatak sa kung anu-ano man. Ang kompromiso ang kaaway nating lahat. Hindi pa ba sapat ang lahat ng mga dignidad na itinapon natin sa kawalan? Maaari bang muli natin ibalik pagkaka-kilanlan natin mga Pilipino bilang mga taong punong-puno ng integridad at pakikipaglaban sa paniniwala.

8. “Wala na tayong panahon para sa mga bagay na hindi natin kayang panindigan.”

12002796_1651750491706347_1050969464865688277_n
Kung maririnig lang nila ang ating tinig.
Ito ang ating sigaw. Dinggin ang aming panalangin.

9. “Kung magiging bansa man tayo, kailangan natin ng isang radikal na pagbabago.”

91

Sapat na ang walang ginagawa. Panahon na para kumilos. Maaaring mga Pilipino nga tayo ngunit sinasakop pa rin ng pusong hindi maka-Diyos at makabayan ang ating isipan. Kailan sisimulan ang radikal na pagbabago? Ngayon na.

10. “Mas masahol pa sa mga Amerikano ang sinumang inilalagay ang kanilang pansariling interes… ang sinumang nanunumpa ng katapatan para lamang sa kanilang rehiyon at tribo. Sila ang patunay na hindi pa tayo handang pamunuan ang ating mga sarili.”

10471231_1512337888980942_4564616238876763541_n

Ipina-paliwanag na nito ang kanyang sarili.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s